Miyerkules, Pebrero 22, 2017

Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Natatakot na po ako sa mga nababalitaan kong patayan sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Dahil daw umano ito sa 'war' on drugs sa ating bansa. At ito'y solusyon ninyo, aming Pangulong Duterte, para mawala na ang droga sa bansa.

Natatakot ako, hindi dahil ako ay iss sa gumagamit ng pinagbabawal na gamot, natatakot ako na mangyari na mapagbintangan ang iba. Mali ang gumamit ng pinagbabawal na gamot pero mas mali na maipapatay ang isang tao at hindi ito bigyan ng ikalawang pagkakataon. Tanong ko lang: Kung pamilya ni'yo po ay nasangkot sa ganitong krimen, manganganib din po ba ang buhay nila?

Sa aming lugar, tila parang mga hayop na lamang ang mga tao kung pa'no ito patayin. Kahit pa sila ay nasangkot sa ganitong gawain, maling mali naman ang patayin sila at hindi bigyan ng ikalawang pagkakataon. Dahil alam ko na nagawa lang nila ang bagay na iyon dahil sa kahirapan. Kung walang kahirapan, madaling mawawala ang droga sa ating bansa.
           

Nakakalungkot mang isipin, na ito po ang inyong napiling pamamaraan, kung maaari po sana'y magkaroon kayo ng alternatibong pamamaraan upang mawala ang droga na hindi gumagamit ng dahas at pagpatay.




Minsan Lang Gumagalang, Glenn Queano Daleon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento