Mahal Naming
Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Natatakot na po ako sa mga nababalitaan kong patayan sa iba't
ibang parte ng Pilipinas. Dahil daw umano ito sa 'war' on drugs sa ating bansa.
At ito'y solusyon ninyo, aming Pangulong Duterte, para mawala na ang droga sa
bansa.
Natatakot ako, hindi dahil ako ay iss sa gumagamit ng
pinagbabawal na gamot, natatakot ako na mangyari na mapagbintangan ang iba.
Mali ang gumamit ng pinagbabawal na gamot pero mas mali na maipapatay ang isang
tao at hindi ito bigyan ng ikalawang pagkakataon. Tanong ko lang: Kung pamilya
ni'yo po ay nasangkot sa ganitong krimen, manganganib din po ba ang buhay nila?
Sa aming lugar, tila parang mga hayop na lamang ang mga tao
kung pa'no ito patayin. Kahit pa sila ay nasangkot sa ganitong gawain, maling
mali naman ang patayin sila at hindi bigyan ng ikalawang pagkakataon. Dahil
alam ko na nagawa lang nila ang bagay na iyon dahil sa kahirapan. Kung walang
kahirapan, madaling mawawala ang droga sa ating bansa.
Nakakalungkot mang isipin, na ito po ang inyong napiling
pamamaraan, kung maaari po sana'y magkaroon kayo ng alternatibong pamamaraan
upang mawala ang droga na hindi gumagamit ng dahas at pagpatay.
Minsan Lang Gumagalang, Glenn Queano Daleon